top of page

Kodak

  • Writer: Paul
    Paul
  • May 20
  • 1 min read

Updated: May 23

Picture from Pinterest
Picture from Pinterest

kinain ng ala-ala

tingin sa iyong walang kurap na mata

sarili'y tinanong kung ikaw pa ba

o tulak lamang ito ng kahapong tayo pa?

 

ang iyong mga ngiti

titig lamang ang kapalit

habang dahan dahan ang pagsidhi

nitong apoy ng sandali

 

bukas bubuksan ang pitaka

na walang ako't ikaw na may ngiti sa mata

at hindi na maaaninag

ang ala-alang unti-unting nanghahatak

 

kung paano tayo nakatingin sa maniniyot

dahil sa inakala ngunit

panaginip na mistulang naging bangungot

ngayon, larawan natin ay sinunog at pinunit



Comments


bottom of page