Kung Alam Mo Lang
- Gimmeworms
- May 6
- 2 min read
Updated: May 23

Matagal ko na itong iniisip
lihim na pinilit kong iningatan
Sa likod ng bawat ngiti
Sa likod ng bawat “kamusta”, na sana’y naging “Ako na lang?”
Araw-araw kitang tinitingnan,
Pero ni minsan, ‘di mo ako pinapansin
Nandito lang ako—laging andyan.
Parang hangin sa paligid,
Naroroon pero ‘di mo ramdam
Alam mo ba,
Sa tuwing binabanggit mo siya,
Pilit akong ngumiti kahit pakiramdam ko’y unti-unting nababasag ang loob ko.
Oo, masakit—sobra.
Pero tiniis ko, dahil ang mahalaga… masaya ka.
Lagi kong tinatanong ang sarili ko,
Ako ba?
Ako rin ba sa ibang mundo? Sa ibang pagkakataon?
kahit alam kong hindi,
kahit na alam kong wala nang pag asa
Umaasa pa rin ako.
Umaasa ako na baka, isang araw,
Mapansin mo rin ako.
Sa dami ng taong nakapaligid sa’yo,
Ako rin pala ang pipiliin mo.
Pero hindi…
At ngayon, habang nilalabanan ko itong damdamin ko,
Gusto ko sanang sabihin sa’yo ang tunay na nararamdaman ko.
Na ikaw.
Ikaw ang dahilan ng mabilis na tibok ng puso ko.
Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagpupuyat–
Hindi dahil sa pag-aaral, kundi sa kakaisip
Kung paano ko masasabi sa’yo ‘to…
Nang hindi ako tuluyang masira o gumuho
Pero huli na.
Huli na ang lahat
Dahil ang puso mo…
ay may nag mamay-ari nang iba.
Kaya ngayon,
ang tulang ito na lang ang tanging paraan
para mailabas ang lahat ng nararamdaman ko para sa’yo
Hindi mo na kailangan sagutin,
Hindi mo na kailangan damhin.
Gusto ko lang malaman mo…
Na minsan,
May isang taong tahimik na nagmahal at sumuporta sayo,
At yun… ay ako–kung alam mo lang.
댓글