The dreams that haunting me
- K
- May 10
- 2 min read
Updated: May 23

Nagising ako habang kinakapos ng hininga. Gosh, what a nightmare. Napabuntong-hininga na lang ako.
"Please choose us."
"Dito ka lang."
"Wag mo kaming iiwan."
Those words keep echoing in my ears. Gosh, what a dream. Palagi nalang, kailan kaya ako patatahimikin ng nakaraan?
I thought I was okay–na magaling na yung sugat sa puso ko. Honestly, hindi ko naman pinapansin yung nangyari sa nakaraan ko. I don't really care. I’m not even triggered kapag meron na namang ganong pangyayari ulit.
But why? Bakit palaging ganon ang mga panaginip ko? Maayos naman ako, pero may sugat pa rin pala na hindi pa rinnaghihilom, mga sugat na isinantabi ko matagal na panahon na ang nakakalipas.
"Ahhhh, damn it." napamura na lang ako dahil sa kadramahan ko. Gosh it’s not me.
Bumangon na ako sa kama para mag handa. May pasok pa, eh.
Ganito na lang talaga ang cycle ng buhay ko.
At dahil walang klase sa ikalawang subject ay umidlip muna ako.
"Huy, gising. You're crying," pag-gising sa akin ng kaibigan ko. Tiningnan ko siya, nagtataka.
"Huh?"
"You're crying."
"Oh…" sabay punas ko sa aking luha.
Hanggang dito ba naman? my past… that dream always keeps on haunting me, it’s all about my family. We're okay, but why? The question that I keep asking myself, pero wala akong sagot na nakukuha.
Hanggang kailan ba ganito? Hanggang kailan ako hahabulin ng nakaraan sa mga panaginip ko? Hanggang kailan ko ba muling mabubuo? Bakit ganito? Hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong gawin) para matapos na at mawala sila sa mga panaginip ko.
Do I need to tell them? Or is it already too late?
Comments