top of page

Mundo

  • Writer: Ante Kayi
    Ante Kayi
  • Apr 2
  • 1 min read


Nagtagpo tayo sa kalagitnaan ng bagyo,

Sa panahon ng delubyo.

Naranasan nating maghirap,

Mawasak ang pangarap.


Ang pundasyong ating ipinatayo,

Ay nawasak at gumuho.

Sinubukan naman nating tumayo,

Pero hindi lang talaga sang-ayon ang mundo.


Lumipas ang panahon,

Sinubukan ulit nating umahon.

Ngayon, dahan dahan na muna,

Para walang masira bigla.


Sabi nga ng mundo,

Pwede na siguro.

Pagmasdan natin sila,

Baka ngayon, iba na.


Hindi na guguho,

Hindi na lalaho.

Hindi na susuko.

Kaya nagmasid ang mundo.


Nagbago na talaga sila,

Sigurado na ang pundasyon nila.

Hindi na nagmamadali,

Hindi na puro imik.


Yung pundasyong ipinatayo nila ngayon,

Hindi na matitinag ng panahon.

Sigurado na,

Matatag na.


Kaya kahit maraming dumaan na bagyo,

Hindi na sila gumuguho,

Tamang nagpapahinga,

At dahan dahang magsimula.


Wala ng pangarap na masisira,

Kasi yung pangarap nila’y nakatayo na.

Matatag at pulido,

Eto na ang kanilang mundo.

Kaya naman pinangalanan nila ito,

Your Tune Radio.


@iamtangerine



Recent Posts

See All

Comments


bottom of page